AKADEMIKONG PAGSULAT

AKADEMIKONG         PAGSULAT


 Ang akademikong pagsusulat ay isang matalinong pamamaraan ng pagsusulat dahil ito ay gimagamit ng intelektuwal. Ito ay isinusulat sa pormal na salita at sistematiko. Ang akademikong pagsusulat ay may layunin maghatid ng kaalaman sa mambabasa at ito ay nag lalaman ng katotohanan habang ang nobela o kwento ay ginagamit ng di pormal na salita o balbal at ito ay ayon sa imahinasyon ng manunulat.

nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan.Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura,karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat,gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat.Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa.

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repiektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Comments

Post a Comment